INIS NA NAGING PASASALAMAT
Pakiramdam ko' y naisalang
Sa isang bagay na diko ninais kailanman
Pakiramdam ko'y naitulak, sa pusod ng aking kahinaan
Na di ko alam ang paroroonan.
Dahil sa pagpasok sa isang aspeto
Na mailap ang salitang interesado
Ay batid ko'y kay hirap dahil labag sa kalooban ko
Lalo na balot ang utak kong sarado.
Dumating yong punto na, naiinis ako sa inyo
Dahil ayaw ko na nga, pinipilit niyo pa rin ako
Kinukumbinsi para babalik lang ako
Hinahatak para matuto.
Sapagkat naniniwala kayo sa aking kakayahan
Dahil sabi niyo ay kung kaya ng iba kaya ko din yan
Hindi para sa inyo kundi para sa aking kapakanan
Sigurado kayo di ko pagsisihan.
Biglang nagising ang gunita ko at tumatak ang mga katagang ito:
"Kung anong inumpisahan mo, tatapusin mo
Kung anong pinasukan mo, alam mo ang lulusutan mo
Dahil talunan lang ang sumusuko."
Ngayon, walang bahid na pagsisisi
Nadarama kong galak di na maikubli
Napagtanto ko rin sa huli
Mga payo niyo'y malaking naiambag sa aking sarili.
Salamat sa pagtulak niyo sa bangin na sagana sa karunungan
Minsan inakala kong bangin na para bang di ko kayang akyatin
Inakala kong tagumpay di ko kayang abutin
Na parang di na sisilay ang sikat ng araw na nagniningning.
Salamat! Salamat sa mga pangaral
Dahil sainyo'y nakasalok ako nang magandang aral
Aral na magiging taglay at gabay
At salamin sa paglalakbay sa buhay.
Bambee Pacnis Abadilla
ALSE Batch 74
September 24,2019
Photo credit: Sarah Rollorata Sumaylo
ALSE OF LIFE (formerly called ALSE) is part of the Executive Education Program of the Ateneo School of Government and is aimed at empowering migrant workers with the knowledge and skills needed to help in their eventual reintegration back home. It is a six-month course uniquely tailored for migrant workers and delivered by one of the Philippines’ top universities.
The participants, which were divided into two batches (Saturday and Sunday), attended 12 sessions (10 face-to face and two online sessions) covering three modules. All ALSE of LIFE graduates will be recognized as alumni of Ateneo. The program is run and managed by Migration and Development Consortium composed of OFSPES, SEDPI, Ugat Foundation and ASOG.
WIMLER Foundation Hong Kong organises the program in Hong Kong in partnership with the Philippine Consulate General, Philippine Overseas Labor Office (POLO HK), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA HK), and ALSE OF-LIFE Alumni Association HK.
No comments:
Post a Comment